142 - Banal na Espiritu, Ilaw ng Kabanalan

Banal na Espiritu,
Ilaw ng kabanalan,
Kadilima'y pawiin,
Puso ko'y liwanagan.

Banal na Espiritu,
Ang puso ko'y linisin;
Ang imbing kasalanan,
Sumusupil sa akin.

Banal na Espiritu,
Ang puso kong sugatan,
Ay Iyong pasayahin,
At pighati'y lunasan.

Oh, Espiritung Banal,
Puso ko'y panahanan,
Bawa't sala'y ibuwal,
Lubos Mong pagharian.

0:00 0:00